Sa mga araw na ito ay marami ang naganap na di kapani-paniwala. Tatalakayin natin ang nakasulat sa genesis 6.
At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw. Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.
-Genesis 6:1-4
Dito nagsimula ang lahat at ito rin ang rason kung bakit pinarusahan ang mundo ng malawakang baha.
Huminto muna tayo at saliksikin natin kung mga anghel ngaba talaga ang isinasaad na anak ng dios. May mga nagsasabi na ito ang mga masasamang anak ni Adam, Cain. Itong pananaw na ito ay kulang ng ebedensya, tatalakayin din natin ito.
Magsimula tayo sa salitang Nephilim sa ibang translasyon ito ay Giants o Higante.
Ang salitang Nephilim ba ay ibig sabihin higante?
Oo at Hindi ang sagot, oo dahil kadalasan, ang diskripsyon sa kanila ay mga higante. Hindi naman, Dahil ito ay galing sa wikang Hebrew na ibig sabihin "fallen ones" o sa tagalog "ang mga nahulog" sa wikang Greek naman ang salitang ginamit ay Giga dito din nagmula ang salitang Giants. Ngunit ang kahulugan nito sa kanilang wika ay "Earth Born" sa tagalog "Pinanganak sa Lupa". Sa hebrew ang salitang higante ay "Rephaim". May ibang bakas din ang mga Nephilim na nagpapakita na hindi sila higante kaya siguro hindi ginamit ang salitang rephaim sa genesis 6. Pero kadalasan sa kanila ay higante. Sila ang resulta sa Genesis 6, Mga anak ng Anghel at mga babae na anak ng tao.
Kung ang pinaguusapan natin ay anak ng normal na mga tao. Paano nito maipapaliwanag ang mga Higante na nakasulat sa Bibliya bago mangyari at pagkatapos mangyari ng malawakang baha?
Ang mga skolar na nagtuturo ng ganitong teorya ay hindi prinoproblema ang pagsalaysay sa mga higante na nasa Bibliya, Na Pinaalis ng mga Israelites ang mga tao sa Canaan. Paano nila maikokonsidira ang mga karakter nila Og na hari ng Bashan at si Goliath at ang nakita ng mga espiya ng Israel na nasa Numbers 13:33 na pawang mga higante at kung paano nila maipapaliwanag ang genetic traits na nasa Genesis 6:4?
Gayon ma'y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.
-Amos 2:9
Ipinapaliwanag dito na ang mga Amorrheo(Amorite) ay kasing taas ng puno ng Cedro.
Nakita nyo na ba kung ano kataas ang mga puno ng Cedro(Cedar Tree)?
Ang mga punong ito na madalas nakikita sa lebanon at may taas na 38-45 na talampakan.
Kahit ano ka pa kalakas kumain, mga normal na tao ay hindi magsisilang at hindi tatangkad ng 18 hanggang 12+ talampakan na nilalang.
Tingnan natin ang ibig sabihin ng anak ng Dios. Sa bagong testamento ang anak ng Dios ay ang mga tao na naniwala at tinanggap si Jesus. Ang sino man ang tumanggap kay Jesus ay isa ng anak ng Dios. Ang anak ng Dios na nasa lumang testamento naman ay ginagamit sa mga direktang ginawa ng Panginoon pareho kay Adam.
Halimbawa dito ang Geneology ni Jesus:
na anak ni Enos,na anak ni Set,na anak ni Adam, na anak ng Dios.
-Luke 3:38
Ang ginagamit din ng ibang skolar para hindi maniwala na anghel ang bumaba at nakipag relasyon sa mga babae ay ang nakasulat sa:
Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
-Matthew 22:30
Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
-Matthew 22:30
Ngunit makikita dito na ang tinutukuy na anghel ay ang "gaya ng mga angehl sa langit". At hindi ang nahulog na mga anghel na nasa genesis 6 at iniwan ang kanilang unang estado na nakasulat sa Jude 1:6 at 2 Peter 2: 4-5 ang tinutokuy sa Matthew 22:30 ay ang mababait na anghel na hindi gumawa ng malaking kasalanan.
Sa wikang hebrew ang salitang Anak ng Dios ay Bene ha Elohim:
Ito rin ang salitang ginamit sa Job 1:6, Job 2:1 at Job 38:7, na nagtutukoy ng anghel. Hindi ito nagsasaad na ang mga anak ni Seth ay nakikipag halubilo kay Satanas at sa mga Anghel para magpulong. Kung ang nakasulat dito ay tinatanggap ng ibang skolar na ang mga ito ay Anghel. Bakit di nila sinasama sa kanilang pananaw ang Genesis na walang dudang ito ay nagsasabi sa parehong bagay - Anghel
Para sa iba pang impormasyon sa temang ito panoorin ang video na ito sa wikang Ingles:
Dahil din ito sa kauna unahang propesiya na narinig ni satanas na mula mismo sa Panginoon sa hardin ng Eden.
At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa?
At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
-Genesis 3:13-15
At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.
At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
-Genesis 3:13-15
Parang sinabi narin ng diablo, "ganun pala ha? Eh di gugusutin ko ang kanyang binhi."
At dito nagsimula ang pagdudungis sa binhi ng tao na nakasaad sa Genesis 6.
Gagamitin natin ang verse na
Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.
-Matthew 18:16
-Matthew 18:16
Sa pamamagitan ng dalawa o tatlong testigo magkakaroon tayo ng patunay sa katotohanan. Sa kabila ng napakaraming katulad na alamat sa ibang kultura na ang kani kanilang Dios umano ay nagmula sa langit at sa bituin at sila'y nakipagtalik sa mga babae na anak ng tao.
Basahin naman natin ang sinabi ni Jesus
Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
-John 14: 6
-John 14: 6
Kung nasa Bibliya ang katotohanan, hindi dapat tayo matakot tumingin sa ibang lugar ng proweba. At kahit ano pa ang ginawang pagtatakip ng kalaban sa katotohan ay may mga bakas parin tayong makikita. Lalabas at lalabas parin ang katotohanan sa masipag na pagsasaliksik.
Basahin naman natin ang nakasulat sa ibang, extrang Biblical na libro na may kaugnayan sa Bibliya na may kaugnayan sa Genesis 6.
Book of Enoch | Book of Jubilees | Book of the Twelve Patriarchs |
---|---|---|
At dumating ang panahon na ang mga anak ng tao ay dumami at sa mga araw na iyon ipinanganak sa kanila ang
magaganda at kaakit-akit na mga babae. At ang mga anghel na anak ng langit, nakita ito nila at nagkaroon
sila ng masasamang hangarin sa mga ito. Nagsabi sila sa isa't isa: Halika at pumili tayo ng maasawa na babae na mula sa mga anak ng tao at magkaroon tayo ng mga anak sa kanila. At sabi ni Semjaza, na kanilang pinuno: natatakot ako na hindi talaga kayo sasang ayon sa gawaing ito. Ako lamang magisa ang magbabayad sa parusang ito, Isang napakalaking kasalanan na aking gagawin. At sagot nilang lahat sakanya: Manumpa tayo sa isat isa na gagawin natin ito at hindi natin aabandunahin ang planong ito. At silang lahat ay dalawang daan: na nagsibabaan noong mga araw ni Jared sa tuktok ng bundok Mount Hermon, at tinawag itong Mount Hermon, dahil doon ang lugar kung saan sila nanumpa sa isa't isa.
-Libro ni Enoch Chapter 6:1-6
|
At dumaan ang panahon ng magsimulang lumago ang mga anak ng tao sa bungad ng mundo at nagbunga sila ng mga anak na babae, yaong nakita sila ng mga anghel ng Diyos sa tiyak na taon ng hubileó, yaong sila ang may kagandahang nangingibabaw; at sila'y kumuha ng kani-kanilang maybáhay na kanilang napili, at sila'y nagbunga ng mga anak na higante. Dahil sa tatlong bagay na ito dumating ang baha sa mundo, sa makatwid bagá, dahil sa pakikipagtalik ng hindi pa kasal kung saan ang mga Tagapagmasid laban sa kautusan ng kanilang mga tuntunin matapos nilang pagsamantalahan ang babae na mga anak ng tao at kumuha silang lahat ng kani-kanilang maasawa, sila ang pumili: at doon nagsimula ang karumihan. At sila'y nagkaroon ng mga anak ang 'Nâphîdîm', at sila ay hindi pangkaraniwan, at winasak nila ang isa't isa: at ang 'Higante' ay pinatay ang 'Nâphîl', at ang Nâphîl ay pinatay ang Eljô, at ang Eljô sa sangkatauhan, at sa isang tao sa isa pa. At gayunpaman, ibenenta nila ang kanilang sarili para maganap ang kasalanan at nagbuhos ng maraming dugo at ang mundo ay napuno ng mga kasalanan.
-Book of Jubilees 5 - 7
|
At ang mga tagapamasid ay nanghikayat bago ang baha, At sila'y patuloy na tumingin. Sila ay nagmayamo sa kanila, At ginawa ang kung ano ang nasa kanilang isipan. At sila'y nag anyong tao at nagpakita sila sa kanila na kasama ng kanilang asawa. Ang mga babae na nagmayamo din sa kanilang mga anyo, at silay nagkaanak ng mga Higante, Dahil ang mga tagapamisid ay nagpakita sa kanila na galing sa langit. -Book of the Twelve Patriarchs Reuben 5 |
Mababasa natin dito sa tatlong libro na ang tinukoy nilang lahat ay ang mga Anghel. Ang Watchers o Mga Tagamasid na nakasulat dito ay isang klase ng Anghel. Sila ay ang mga nahulog na Anghel na tatalakayin natin sa ibang pahina.
At sinabi rin sa Bibliya:
Tagalog | Ingles |
---|---|
Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y
ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom; At ang dating
sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng
ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;
-2 Peter 2:4-5
|
For if God did not spare angels when they sinned, but cast them into hell and committed them to pits of
darkness, reserved for judgment; and did not spare the ancient world, but preserved Noah, a preacher of
righteousness, with seven others, when He brought a flood upon the world of the ungodly
-2 Peter
2:4-5
|
Ihambing din ito sa:
Tagalog | Ingles |
---|---|
At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling
tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.
-Jude 1:6
|
And the angels which kept not their first estate, but left their own habitation, he hath reserved in
everlasting chains under darkness unto the judgment of the great day.
-Jude 1:6
|
Makikita natin dito ang mga anghel na tinutukoy sa Jude 1:6 ay tinalikuran ang kanilang unang estado at ngyuy nakakulong sa ilalim ng lupa sa isang madilim na lugar. Nakareserba sila para sa parating na paghuhukom sa hinaharap. Hinukom sila ng maaga dahil sa ginawa nila sa dating sanlibutan na nakalaad sa Genesis 6.
Ang ginamit na salita ng impyerno na nakasulat sa 2 peter: 4 sa Greek ito ay ang salitang Tartarus ginamit ito isang beses sa Bibliya. Ito ay ang mababang lebel sa ilalim ng lupa kung saan si Hades na nasa alamat ng Greek ay namamalagi. Sa tartarus din nakakulong ang mga Higante na pangalan Titans na nasa alamat din ng Greek at ang taas nila ay umaabot ng 450 ang talampakan.
Ibig bang sabihin nito na may konting katotohanan at koneksyon ang nasa mga alamat ng Greek tungkol sa Nephilim? Tingnan natin ang nasa Genesis 6:4.
ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. -Genesis 6:4
Kung iintindihin natin ang mga nephilim, Ay dumami at ang iba sakanila tinawag ang kanilang sarili na mga Dios. Ito ang mga bantog, mga bayani at mga kilalang karakter sa sina-unang panahon.
At mahahambing rin natin ito sa alamat ng iba't ibang kultura. Na ang mga Dios sa kanilang alamant nakipag talik sa normal na taong babae at nag resulta ito sa kalahating tao at kalahating Dios. Isang magandang halimbawa dito ay si Hercules.
Papagusapan natin ito sa ibang pahina. I click ito -> Alamat at mitolohiya