Biblical na Kosmolohiya

Kosmolohiyang Biblikal (The Biblical Cosmology)
Pahintulutan nating Magsalita ang Bibliya

Makikita sa ibaba ang ilang mga bersikulo ng Bibliya na walang puna. Liban lamang kung nabanggit, lahat ng mga kasulatan ay sinipi mula sa KJV (Fil. Ang Dating Bibliya). Kung sakali mang hindi ka pa nakarinig ng daigdig na globo o patag, pahintulutan lang nating magsalita ang Bibliya sa ganang kanya. Basahin ito ng paulit-ulit at manalangin sa Banal na Espirito na ipakita niya ang kahulugan nito sa iyo. Pagnilayan ito ng hindi ipinipilit ang mga nakasanayan nang ideya, at tanungin ang iyong sarili, “Ano ba talaga ang ipinapakita sa akin ng bibliya patungkol sa kalikasan ng langit, daigdig, araw, buwan at mga bituin?” pagkatapos, sa susunod na bahagi, ibibigay ko ang aking mga pagpapaliwanag sa mga naturang kasulatan, na magpapahayag kung ano ang sinasabi nila sa akin.

Ang mga kasulatan sa ibaba ay isinaayos ayon sa paksa upang mailatag ng mabuti kung ano ang susunod. Inilagay ko ang aklat ni Job sa unahan ng Genesis kasi maraming mga iskolar (kung hindi man lahat) ang naniniwalang ito ang pinakamatandang aklat sa Bibliya. Binigyang-diin ko rin ang ilang salita na naka-bold upang mapansin natin itong maigi habang tayo ay nagbabasa. Ito ay hindi isang pangkalahatang lista ng Banal na Kasulatan. Ito ay isa lamang mahalagang panguna, na tuluyan kong daragdagan sa hinaharap habang mas marami na akong nakakalap.

Mga Kasulatang may kinalaman sa kalikasan ng langit/kalangitan sa itaas at ng kanilang ugnayan sa daigdig:

Job 9:
6 Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
7 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
8 Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.

Job 22:14 
Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok {Hebrew: "chug"} ng langit. 
Job 22:14 (HCSB) Clouds veil Him so that He cannot see, as He walks on the circle (bilog) of the sky.
Job 22:14 (ASV) Thick clouds are a covering to him, so that he seeth not; And he walketh on the vault (arko) of heaven.

Job 26:
7 Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.
8 Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
9 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
10 Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
11 Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway.
12 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
13 Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.

Job 37:18 
Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo?

Genesis 1:
 1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
4 At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
5 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang Araw.
6 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.
7 At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.
8 At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.

Genesis 7:11
Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.

Genesis 8:2
Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit;

2 Samuel 22:8
Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.

Awit 19:1
Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.

Awit 29:10
Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.

Awit 78:
 21 Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog.

Awit 104:
1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:
3 Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:

Awit 148:4
 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.

Kawikaan 8:27 
Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay {Hebrew: "chaqaq"} ng balantok {Hebrew: "chug"} sa balat ng kalaliman:  
Proverbs 8:27 (ESV) When He established the heavens, I was there, When He inscribed(nagsulat) a circle(bilog) on the face of the deep.

Isaias 13:13
Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

Isaias 40:22 
Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;

Isaiah 40:22 (ISV)
He's the one who sits above the disk of the earth, and its inhabitants are like grasshoppers. He's the one who stretches out the heavens like a curtain, and spreads them like a tent to live in,

Isaias 44:24
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;

Isaias 45:12
Aking ginawa ang lupa, at nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako. 

Isaias 48:13 
Oo, ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.

Isaias 66:1 
Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan? 

Ezekiel 1:26 
At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon. 

Amos 9:6
It is he that buildeth his stories in the heaven, and hath founded his troop in the earth; he that calleth for the waters of the sea, and poureth them out upon the face of the earth: The LORD is his name.

Amos 9:6
(ADB) Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan.

Amos 9:6
(ASV) it is he that buildeth his chambers(silid) in the heavens, and hath founded his vault(arko) upon the earth; he that calleth for the waters of the sea, and poureth them out upon the face of the earth; Jehovah is his name.

Amos 9:6
(ESV) it is he that buildeth his chambers(silid) in the heaven, and hath founded his vault(arko) upon the earth; he that calleth for the waters of the sea and poureth them out upon the face of the earth; the LORD is his name.

Amos 9:6
(Darby) It is he that buildeth his upper chambers(silid) in the heavens, and hath founded his vault(arko) upon the earth; he that calleth for the waters of the sea, and poureth them out upon the face of the earth: Jehovah is his name.

Amos 9:6 (NASB)
The One who builds His upper chambers(silid) in the heavens And has founded His vaulted dome(arkong simboryo) over the earth,
He who calls for the waters of the sea And pours them out on the face of the earth, The Lord is His name.

Mga Kasulatang may kinalaman sa kalikasan ng daigdig sa ibaba ng kalawakan/langit:


Job 9:6
Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
 
Job 26:7
Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala. 

Job 26:10
Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman. 

Job 28:24
Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; 

Job 37:3
Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit, at ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa. 

Job 38:
1 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
2 Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
3 Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
4 Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
5 Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?
6 Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
7 Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?

Job 38:13 
Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon? 

Genesis 1:9
At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.
10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.
11 At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti.
13 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.

1 Samuel 2:8
Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila. 

2 Samuel 22:16
Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.

1 Cronica 16:30
Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos

Awit 18:15
Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig, at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan, sa iyong pagsaway, Oh Panginoon, sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong. 

Awit 75:3
Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)
 
Awit 93:1
Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago.  

Awit 96:
Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos: kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon;

Awit 102:25
Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay. 

Awit 104:5
Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok
7 Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.

Awit 136:
Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 

Kawikaan 8:27
Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay{Hebrew: "chaqaq"} ng balantok {Hebrew: "chug"} sa balat ng kalaliman: (ESV) When He established the heavens, I was there, When He inscribed(nagsulat) a circle(bilog) on the face of the deep.
28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: 
29 Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:

Isaias 11:12 
At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa. 

Isaias 13:13 
Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

Isaias 40:22 
Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan; 

Isaiah 40:22 (ISV)
He's the one who sits above the disk of the earth, and its inhabitants are like grasshoppers. He's the one who stretches out the heavens like a curtain, and spreads them like a tent to live in,

Isaias 43:6
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;

Daniel 4:
10 Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa.
11 Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa.

Jonas 2:6
Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.

Mateo 4:
8 Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
9 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.

Mateo 24:31
At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila. 

Juan 17:24
Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.

Pahayag 1:7
Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa. he cometh with clouds; 

Pahayag 7:1
At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.

Pahayag 20:8
At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. 

Mga Kasulatang may kinalaman sa kalikasan ng araw, buwan at mga bituin.   


Job 38:7 
Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? 

Genesis 1:14 
At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:
15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
16 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.
17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.

Deuteronomio 4:19
And At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.

Joshua 10:13
At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw. 

Mga Hukom 5:20
Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit, Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.

Awit 19:
1 Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man; ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.

Awit 136:
7 Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
8 Ng araw upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:
9 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Awit 147:4
Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.

Awit 148:3
Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
Manunulat/Ecclesiastes 1:5 Ang araw naman ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito.

Isaias 13:9
Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.

Isaias 38:8
Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo'y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.
(Behold, I will bring again the shadow of the degrees, which is gone down in the sun dial of Ahaz, ten degrees backward. So the sun returned ten degrees, by which degrees it was gone down.)

Ezekiel 32:
7 At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.
8 Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios.

Daniel 8:10
At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon. 

Joel 2:10
Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

Joel 3:15
Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap.

Amos 5:26
Oo, inyong pinasan ang tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan, ang bituin ng inyong dios, na inyong ginawa para sa inyong sarili.

Habakkuk 3:11
Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat. 

Mateo 24:29
Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:

Acts 7:43
At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc, At ang bituin ng dios Refan, Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin: At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.

1 Mga Taga-Corinto 15:41
Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian. 

Pahayag 1:20
Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Pahayag 6:13
At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. 

Pahayag 8:
10 At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig;
11 At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo(Wormwood-KJV): at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig.
12 At humihip ang ikaapat na anghel, at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.

Pahayag 9:1
At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman.

Pahayag 12:4
At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. 

Muli, kung hindi natin gagamitan ng mga nakasanayang ideya, paano kaya ilalarawan ng isang baguhan sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan ang tingnin niya sa langit, lupa, araw, buwan at mga bituin, base sa kung ano ang nabasa niya rito?

ANG BIBLIYA AT ANG DI GUMAGALAW AT PATAG-NA-DAIGDIG


Sa buong katapatan lamang, sasabihin ko talagang wala akong nakikitang mundong hugis globo dito, na nagpapaikot-ikot sa isang walang hanggang espasyo kung ibabase sa mga nababasa ko sa Banal na Kasulatan. Para bang sinasabi ng Bibliya sa atin, sa isang paraan na siguradong sigurado, na tayo ay nakatira sa isang di gumagalaw (as in stationary), patag, at nakabakod na daigdig. Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag kung bakit ganito ang aking paniniwala.

Genesis 1: 1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

Ito’y isang pambungad na pahayag. Itinatatag nito ang katotohanang ang Elohim ang manlilikha ng lahat. Mula dito, patuloy na inilalarawan ng talata kung paano niya ito ginawa:

2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.

3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. 4 At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. 5 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang Araw.

6 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. 7 At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon. 8 At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.

Mula sa kawalan nagkaroon ng tubig. Wala kahit saan tayong nakita na ito’y ginawa. Nandoon lang ito dahil sa pambungad na mga pahayag at ito ay “malalim”. Sa Hebreo, ang salita para sa ‘langit’ ay shamyim. Ang salita naman para sa ‘tubig’ ay mayim. Samakatwid ay mistulang mayroong kaugnayan ang tubig at langit mula pa noong pasimula. Matapos ang pagkagawa ng ‘liwanag’ bilang araw at ang pagpapahayag na ang dilim ay ‘gabi’, isang ‘kalawakan’ o ‘arko ng langit’ ang ipinapakitang naghihiwalay sa tubig ‘mayim’ sa itaas at sa tubig ‘mayim’ sa ibaba. Ang salita para sa "firmament" – lawak, papawirin, o arko ng langit ay raqia. Dito nagsisimulang maging kawili-wili at makabuluhan ang lahat. Tingnan kung paano ito binibigyang pakahulugan ng Brown-Drive-Briggs:





May isang prinsipyo sa pag-aaral ng Bibliya na tinatawag na “Law of First Mention” (o iba pang mga paghahango riyan), na nagsasabing tingnan mo muna kung paano ang isang salita o konsepto ay unang ipinakilala at saka mo na bigyang pansin kung paano ito inuunawa at ginagamit sa iba sa patnubay ng unang gamit. Inilalarawan ng website na ito: biblicalresearch.info ang nasabing batas:

IV. Ang ikaapat na patakaran sa pagpapakahulugan ay ang ‘LAW OF FIRST MENTION.’

A. Ang kahulugan ng Patakaran ng ‘First Mention’: Maari nating sabihin na ang ‘Law of First Mention’ ay isang prinsipyo na nangangailangang ang isang nagbabasa ay pumunta sa bahagi ng kasulatan kung saan ang isang doktrina ay nabanggit sa unang pagkakataon at pag-aralan ang unang kaganapan niyaon upang makuha ang likas na pangunahing kahulugan ng aral na yaon.  

B. Kapag ang patakarang ito ay inilapat, dapat ang payak ay nauuna kaysa sa kumplikado.

1. Ang kasaysayan ng pag-unlad ng kahit anong bagay ay magpapakita na ito ay umusbong mula sa isang napakapayak nitong anyo (hal. steamship; airplane; automobile) 

2. Sa Banal na Kasulatan, ang pagtubo at pag-unlad ng mga ideya at doktrina ay maaring mailarawan ng kung ano mang payak na salita. 

a. Sa buong kasaysayan ng isang termino, maaring nadagdagan na ang kahulugan nito at sumailalim na sa maraming pagbabago, ngunit ang pangunahin, panimula, at ang pundamental nitong ideya ay hindi mawawala.

b. Ang pangunahing konsepto ang siyang karaniwang komokontrol o siyang nangingibabaw sa pagbibigay kulay sa ideyang ipinapahiwatig ng isang termino sa kanyang kasalukuyang gamit.


II. Ang Kahulugan ng ‘Patakaran ng Unang Pagkabanggit’ o ‘The Law Of First Mention’
Maari nating sabihin na ang ‘Law of First Mention’ ay isang prinsipyo na nangangailangang ang isang nagbabasa ay pumunta sa bahagi ng Kasulatan kung saan ang isang doktrina ay nabanggit sa unang pagkakataon at pag-aralan ang unang kaganapan niyaon upang makuha ang likas na pangunahing kahulugan ng aral na yaon. Samakatuwid baga’y kung ano ang una nating makikita, na karaniwang nasa pinakapayak na anyo, masusuri na natin ang doktrina ng ibang bahagi ng Salita ng Diyos na ibinigay nang huli. Makikita natin na ang pundamental na konsepto ng unang pagkakakita ay nananatiling nanagingibabaw bilang isang patakaran, at siyang magkukulay sa lahat ng mga idinagdag sa doktrinang yaon. Kung titingnan ang katotohanang ito, napakahalagang sundin natin ang pag-uunawa ng ‘law of first mention’.

Sa isip nito, sa Genesis 1, mayroon tayong paglalarawan ng bagay na siyang magiging langit sa taas. Pero hindi Genesis ang unang aklat na pinukaw ng Espiritu Santo kundi, ang Job. Samakatuwid, kung patungkol sa langit, bigyang pansin natin kung paano ito inilalarawan ng pinakamatandang aklat sa Bibliya. 

Job 37:18 Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
Job 37:18 Hast thou with him spread out the sky, which is strong, and as a molten looking glass?

Kung ang Job nga ang totoong pinakamatandang aklat, hindi ang Genesis ang nagtatatag ng ‘law of first mention’, kundi ang Job. At kahit alin man sa kanila ang sundin, magkatulad pa rin ang kahahantungan, at ito ay pinatitibayan ng dalawang “Pang-unang” aklat sa Bibliya. Ang Genesis ay nagsisimula sa Torah, na siyang patibayan o pundasyon ng buong Bibliya. Ang Job, na siyang pinakamatandang isinulat sa Bibliya ay buong-buong sumusuporta kung ano ang nakikita natin sa Genesis. Pero sa Job, makikita natin na ang langit ay inilatag na parang tinunaw na salamin, o salaming binubo, o kagaya ng sa ibang mga salin na ipinipinta ito bilang tinunaw na metal (tansong) salamin. :


Ito’y pantapat sa ideya na ang langit sa itaas natin ay binubuo lang ng hangin. Meron tayong isang matigas na pasilongan kung saan, doon sa kaitaas-taasan natin. OK. Ilagay pa natin sa pagsusulit ang ideyang ito. Bakit ba kailangang maging matigas ito?

Ezekiel 1:26 At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon.

Sa gayun pala, ang luklukan ni YHWH ay nasa itaas ng langit, na inilalarawan bilang tinunaw at inilatag na salaming bakal! Ang ideyang ang luklukan o trono ni YHWH ay nasa itaas ng ‘langit’ ay hindi di-pangkaraniwan:

Isaias 66:1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan? 

Sa isang Facebook post qinoute ko yung nasa itaas bilang isang pagbibiro, tinanong ko kung, Anong klaseng “tungtungan” ang nagpapaikot-ikot ng hanggang sa 1,000 mph, habang tumatakbo ng 67,000mph? ang trono ni YHWH ay parang isang rides sa Disney World. Mahihilo talaga siya. Yan o baka ang Sanlibutan ay Kanyang treadmill at hindi lang nila yun alam nung panahon ni Isaias?:) Pabirong sabi ko lang ito, ngunit ngayon hindi ko na alam kung biro lang ba talaga. Tandaan, tayo ay nagbabasa ng Banal na Kasulatan na iwinawaksi ang mga nakasanayang ideya. Parang diretsahan tayong sinasabihan ng mga propeta na ang luklukan o trono ni YHWH ay nasa itaas ng kalangitan, at samakatuwid ang Kanya namang mga paa ay nakaapak sa matigas na silongan na bumabalot sa lupa. Habang hindi naman talaga “earth” ang ‘firmament’ na tulad ng masa kung saan matatagpuan ang lupa at dagat, ang ‘firmament’ ay bahagi ng sistema na bumubuo sa sanlibutan kung ano man ito. Ito’y magdadala sa atin sa Banal na Kasulatan na sinubukan nang gamitin ng marami patungkol sa hugis ng sanlibutan:

Isaiah 40:22 Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;

Noon, ginamit ko rin ang naturang bersikulo upang ipagtanggol ang ideya ng globo. Subalit mayroong pagkakaiba ang isang bilog at ang isang globo/bola. Ang isang ice-skating-rink ay bilog. Nag-skating tayo dito, paikot-ikot, pero hindi maaring, paitaas, paibabaw at palibot. Hindi ito sphere. Ito ay isang bakod na ang hugis ay bilog. Kaya parang ito rin yung Daigdig. Tingnan ang bersyon ng Septuagint ng parehong bersikulo. 

Isaiah 40:22 (LXX)(it is) he that comprehends the circle of the earth, and the inhabitants in it are as grasshoppers; he that set up the heaven as a chamber, and stretched [it] out as a tent to dwell in:

(ito) ay siya na nauunawaan ang bilog ng lupa, at ang mga nananahan doon ay mga balang; siya na nagtayo ng langit na parang silid, at iniunat ito palabas na parang toldang tahanan: 
Kung hindi talaga natin ipupwersa ang globo sa tekstong ito, inilalarawan dito ang isang pabilog na mundo na merong langit (lawak ng binugbog na bakal) na itinayo sa ibabaw nito bilang “silid,” na iniunat na parang “tolda” upang tahanan natin. Ito ay naglalarawan ng sistema! Gaanong kasarado ito? Balikan natin ang Genesis…

Genesis 1:
14 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:
15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
16 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.
17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.

Pakitandaan na ang araw, buwan at mga bituin ay ipinasok sa loob ng nakasaradong “firmament.” Ngayon, bilang isang mananampalataya sa modelong globo buong buhay ko at isa sa mga malalakas na tagapagtaguyod ng Creation account sa atin mga pinagmulan, palagi akong maraming sinasabi patungkol sa firmament bilang isang klase ng “ice canopy” o silongang yelo na pumapalibot sa Daigdig nung wala pa ang Dakilang Pagbaha. Maraming beses akong sumangguni sa kahanga-hangang mga gawa nina Dr. Carl Baugh at Kent Hovind na kabilang sa mga sumusuporta sa pananaw na iyon. Ngunit, sumunod ako sa modelo nila, sapagkat kagaya nila, noon pa’y naniniwala talaga ako sa globong representasyon ng mundo na nagpapalutang-lutang sa space. Nakita niyo kung ano ang ginawa ko roon? Pinuwersa ko ang aking nakasanayang mga ideya sa teksto bilang resulta ng pakikinig sa Dakilang mga tao ng Diyos na ganito rin ang ginawa. Pero hindi ito ang isinulat ni Moses! Hindi niya sinabing inilagay ng Diyos and Araw, Buwan at mga Bituin palibot sa Sanlibutan. Ang sabi niya’y inilagay ito ni YHWH sa loob ng ‘firmament’ na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba. 

Upang makasigurado tayo, balikan lang nating basahin ang Genesis 1, bersikulo 1 hanggang 18 upang malinaw nating makita ang daloy:

upang malinaw nating makita ang daloy:

Genesis 1:
1  Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
4 At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
5 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang Araw.
6 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan(firmament) sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.
7 At ginawa ng Dios ang kalawakan(firmament), at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan(firmament): at nagkagayon.
8 At tinawag ng Dios ang kalawakan{na naghihiwalay sa mga tubig} na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.
9 At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.
10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.
11 At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti.
13 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.
14 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan(firmament) ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:
15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan(firmament) ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
16 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.
17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan(firmament) ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.

Sa mga Bersikulong 7 at 8, mahalagang makita natin na ang “espasyo ng hangin,” na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba ay tinatawag na “Langit” Ang Bersikulo 9 ay tumatalakay patungkol sa mga bagay sa ilalim ng langit, na siyang magiging lupa, mga halaman at mga dagat. Lahat ng ito’y nasa ilalim ng isang simboryo(dome)! Hindi tayo kailanman ilinalabas ng Bersikulo 14 sa lugar na iyan. Ni hindi rin ito ginagawa ng sumusunod na mga kabanata. Ang buong kabanata mula bersikulo 8 patuloy ay nasa “ilalim ng simboryo(dome)”! Hindi ko talaga ito napansin nung una, kasi hindi ko siya hinahanap. Pero nandiyan siya. Malinaw pa sa araw… kung hindi lang natin ipipilit ang ating nakasanayang mga pagpapakahulugan sa teksto. 

Talaga namang itong pananaw sa daigdig “sa ilalim ng simboryo” ay hindi banyaga sa mga matatanda. Maraming sinaunang mga kultura ang may kani-kaniyang pananaw dito: 





“Copyright 2012 Faithlife / Logos Bible Software (https://www.logos.com)

Sa sinaunang Ehipto, ang diyos nilang si “Nut” ay ipinapakita bilang isang pasilongan. Makikita mo rin ang kahawig na mga paglalarawan ng imaheng nasa kanan sa mga paglalarawan sa buong Egyptian Iconography. 



Kahit na, isang online article na pinamagatang "The Flat-Earth Bible," na isinulat ni Robert J. Schadewald, © 1987, 1995, ay nagpapahayag ng ilang mga bagay na makabuluhang ilathala ko dito (irinerekomenda kong basahin mo rin ang buong artikulong ito):

Ang Kosmolohiyang Biblikal ay hindi lantarang isinasaad, kaya dapat na ito’y pagtagpi-tagpiin mula sa nagkalat na mga pahayag. Ang Bibliya ay isang pinagsamang gawa, kaya walang pangunahing rason kung bakit ang kosmolohiyang ilinalatag ng iba’t-ibang mga manunulat nito ay dapat na may pagkakaayon, subalit ito ang nangyari. Ang Bibliya, mula Genesis hanggang sa Pahayag, ay isang aklat ng ‘patag-na-daigdig.’ 

Hindi na ito nakakagulat. Bilang kapit-bahay, ang mga sinaunang Hebreo ay malapit sa mga taga-Ehipto hanggang sa timog-kanluran at ang mga Babylonian sa hilagang-silangan. Ang lahat ng mga sibilisasyong ito ay mga kosmolihiyang patag-na-daigdig. Halos nagkakapareho ang kosmolohiyang Biblikal sa kosmolohiyang Sumero-Babylonian, at naghahango rin ito mula sa kosmolohiya ng mga taga-Ehipto.

Ang uniberso ng mga Babylonian ay may hugis na katulad ng isang gusaling may simboryo. Ipinapalagay ng mga Babylonian na ang daigdig sa pangkalahatan, ay patag, na may isang kalakhang kalupaan na pinapalibutan ng tubig. Ang arko ng langit ay isang pisikal na bagay na nakapatong sa mga tubig ng karagatan (at baka sa mga haligi nito). Ang matamis (walang asim) na mga tubig sa ilalim ng daigdig minsan ay umuusbong sa mga bukal. Ang unibersong Egyptian ay nakabakod din, ngunit ito ay parihaba imbes na pabilog. Siya nga, ito’y ihinugis na mistulang napakalumang steamer trunk. (Ilinalarawan ng mga taga-Ehipto ang diyosang si Nut na nakaunat sa langit at nakatabong parang simboryo.) Ano naman ang pananaw ng mga Hebreo sa uniberso? 

Ang Ayos ng Sangnilikha

Ang kwento ng paglikha sa Genesis ay nagbibigay ng pangunahing susi sa Kosmolohiyang Hebreo. Ang kaayusan ng lahat ng nilikha ay walang katuturan sa isang nakasanayang pananaw ngunit ito’y lubos na lohikal mula sa pananaw ng patag-na-daigdig. Ang kalupaan ay nilikha noong unang araw, at ito’y “walang anyo at walang laman (Genesis 1:2).” Sa pangalawang araw, ang arko ng “firmament” kalawakan mula sa King James version ay nilikha upang paghiwalayin ang mga tubig, ang iba sa itaas at ang iba sa ilalim ng arko. Sa pang-apat na araw lang nilikha ang araw, buwan, at mga bituin, at lahat sila’y ilinagay “sa” (hindi sa “itaas”) ng arko.

Ang Arko ng Langit

Ang arko ng langit ay isang mahalagang konsepto. Ang salitang “firmament” ay makikita sa King James version ng Lumang Tipan halos 17 na beses, at sa bawat pagkakataon ito ay isinalin sa salitang Hebreo na raqiya, kung saan nangangahulugan itong ‘nakikitang arko sa langit’. Ang salitang raqiya ay nagmula sa riqqua, na ang kahulugan ay “binugbog.” Sa sinaunang mga panahon, ang mga bagay na tanso ay tinutunaw sa anyong kailangan o pinapanday sa palihan hanggang sa ito’y magkaroon ng anyo. Ang isang mabuting panday o manlilikha ay kayang paluin ang isang tipak ng tanso hanggang ito ay maging manipis na mangkok. Samakatuwid, tinanong ni Elihu si Job, “Mailalatag (raqa) mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo? (Job 37:18)?”

Ang tanong ni Elihu ay nagpapakita lamang na ipinapalagay ng mga Hebreo ang arko ng langit bilang isang solido, pisikal na bagay. Ang isang napakalaking arkong katulad nito ay talagang isang kahanga-hangang gawa. Ang mga Hebreo (at pati si Yahweh rin yata) ay ipinapalagay na ganoon talaga, at ito’y pinatitibayan ng limang kasulatan:

Job 9:8, “...nagiisang inuunat ang langit[shamayim]...”

Awit 19:1, “Ang kalangitan [shamayim] ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan [raqiya] ang gawa ng kaniyang kamay.”

Awit 102:25, “...ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay[shamayim].”

Isaias 45:12, “ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit[shamayim], at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako…”

Isaias 48:13, “...ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit[shamayim]...”

Kung ang mga bersikulong ito ay tumutukoy lamang sa ilusyon ng isang arko, napakarami namang sinabi pagkatapos ay nahulog lang pala sa wala. Ang salitang Shamayim ay nanggaling sa shameh, isang salitang-ugat na nangangahulugang matayog. Literal itong nangangahulugang langit. Ang ibang mga pahayag ay bumubuo sa larawan ng langit bilang isang matayog, at pisikal na simboryo. Ang diyos ay “Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa [chuwg], at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit[shamayim] na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan…[Isaias 40:22].” Ang literal na ibig sabihin ng Chuwg ay “bilog” o “nakapaloob.” At kung palalawigin, ito’y maari ring mangahulugang pabilog o sa ingles ay ”round”/”roundness”, gaya ng hugis pabilog na simboryo o arko. Sinasabi sa Job 22:14 patungkol sa Diyos na “Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit[chuwg].” Sa dalawang bersikulong ito, ang gamit ng chuw ay nangangahulugang isang pisikal na bagay, kung saan maaring upuan o tayuan. Gayundin, sa konteksto ng dalawang ito nangangahulugan din itong na nangangailangang ilagay ng may kataasan. Sa Isaias, ang pagkataas na ito ay siyang dahilan kung bakit ang taong nasa ibaba, kung titingnan ay parang mga balang. Sa Job, kailangang lumusot ng paningin ng Diyos sa mga ulap upang makita niya ang mga gawa ng mga tao sa ibaba. Ang pagkataas, o elebasyon ay siya ring ipinapahiwatig sa Job 22:12 “Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit [shamayim]? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!” 

Ang larawan ng kosmos ay pinatitibayan ng mga pangitain ni Ezekiel. Ang salitang Hebreo na raqiya ay limang beses makikita sa Ezekiel, apat na beses sa Ezekiel 1:22-26 at isang beses sa Ezekiel 10:1. Sa bawat pagkakataon, ang konteksto ng pahayag ay nangangailangan ng isang literal na arko o simboryo. Ang arko ay makikita sa itaas ng mga “buhay na nilalang” na kumikinang na “parang mga piraso ng yelo.” Sa itaas ng arko ay isang luklukang zapiro (o lapiz lazuli). Nakaupo sa arko ang isang “anyo na parang tao,” na nagliliwanag at “parang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon.” Sa maikling salita, si Ezekiel ay nagkaroon ng pangitain sa Diyos na nakaupo sa kanyang trono sa arko ng langit, na inilalarawan din sa Isaias 40:22.

Source: https://www.lhup.edu/~dsimanek/febible.htm [bold akin ang pagbibigay diin]

Kung babalikan ang pahayag sa Isaias 40:22, inaangkin ng marami (kahit ako noong una) na ang “bilog” ay isang paglalarawan ng Daigdig bilang globo. Gaya ng sinasabi ni Robert J. Schadewald, ang salitang Hebreo na ginamit dito ay “chug” (ang basa ay “khoog”), subalit ito ba ang salitang gagamitin para sa paglalarawan ng isang bagay na hugis bola? Hindi. Ang salita ay nanggagaling sa ibang halos kaparehang salita, na ang ibig sabihin ng dalawang ito ay: 



Ang ibig sabihin ng bilog ay bilog. Hindi bola. Malinaw na alam ni Isaias ang pagkakaiba ng bilog at isang mala-bolang bagat. Pansining sa iilang mga naunang kabanata na gumagamit siya ng isang salitang lubos na naiiba para sa bola:

Isaiah 22:18 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.

Ang salitang Hebreo na ginamit ni Isaias dito ay “dur” kasi, hindi mo naman talaga maitatapon ang isang ginuhit na bilog (chug). Sapagkat, siyempre, ang isang bagay na mala-bola ang kaya mong maitapon. Alam niya ang pagkakaiba. Samakatuwid, naniniwala ako ngayon na ang Isaias 40:22 ay isang kakila-kilabot na batayan mula sa Banal na Kasulatan kung gagamitin bilang paglalarawan sa Sanlibutan bilang isang sphere. Ngunit, patuloy lang natin itong sulitin. Saan pa ginagamit ang salitang “chug” at papaano? 

Proverbs 8:27 (ESV) When He established the heavens, I was there, When He inscribed a circle(nagsulat siya ng bilog) on the face of the deep.

Kawikaan 8: 27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:

Paano ka ba “magsusulat ng bilog” sa balat ng kung ano man at ang makukuha mo’y isang bola? Sa tingin ko, ang bilog ay hiniwa hanggang nag-iba ito. Ang salitang Hebreo na isinaling “inscribed” ng ESV (English Standard Version) ay “chaqaq” na nangangahulugang:



Kung isasaalang-alang na naman natin ang ‘Law of First Mention’, kailangan nating mapagtanto na mayroong nangungunang ideya na patungkol sa “bilog ng mundo” bago pa ito isulat ni Isaias. Sinasabi sa atin ni Haring Solomon na ang “bilog” na isusulat ni Isaias sa huli (at maaring alam na niyang lubos kung ano ang isinulat ni Haring Solomon) ay pinutol sa isang anyo na malalim. Sa Genesis, nakita nating malalim ang mga tubig. At pagkatapos ay tumawid ang Espiritu Santo sa mga tubig. Isang firmament o kalawakan ang ginawa upang paghiwalayin ang mga tubig, at pagkatapos ang mga tubig sa ilalim niyaon ay nagtipon sa isang lugar at isang tuyong lupain ang “nagpakita”. Maaari bang mangyari na noong, “gumuhit ng bilog sa kailaliman” si YHWH ay sa ganoon napaghiwalay ang tubig at nabunyag ang lupa? Hindi ko alam, subalit siyang tunay na hindi ko talaga nakikita na lumilitaw ang hugis bola kahit saan man hanapin sa mga paglalarawan. Ipagpatuloy natin ang pag-uusisa sa pinakamatandang aklat ng Bibliya:

Job 26:10 (NASB) He has inscribed a circle (gumuhit ng bilog) on the surface of the waters At the boundary of light and darkness (sa hangganan ng liwanag at kadiliman).

Job 26:10(ADB) Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.

Job 26:10 (KJV) He hath compassed the waters with bounds, until the day and night come to an end.

Ginagamit ng KJV ang salitang “compassed” sa bersikulo, ngunit ang mga salitang ingles ay magkatulad ang kahulugan: isang pabilog na nakapagtatala ng mga hangganan. Sa kasong ito, ang isinalin sa “inscribed a circle” sa NASB at “compassed the waters” sa KJV ay iisang salita lamang (chug) na ginamit sa Isaias 40:22. Kaya, tingnan natin lahat ng mga magkakaagapay na mga Kasulatan sa kanilang pagkakasunod-sunod ayon sa panahon ng kanilang pagkakasulat: 

Job 26:10 (NASB) He has inscribed a circle on the surface of the waters At the boundary of light and darkness.

Job 26:10 (ADB) Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.

Genesis 1 (ADB):
2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
4 At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
5 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang Araw.
6 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan(firmament) sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.
7 At ginawa ng Dios ang kalawakan(firmament), at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan(firmament): at nagkagayon.
8 At tinawag ng Dios ang kalawakan{na naghihiwalay sa mga tubig} na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.
9 At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.
10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.

Proverbs 8:27 (ESV) When He established the heavens, I was there, When He inscribed a circle (gumuhit ng bilog) on the face of the deep.
Kawikaan 8:27(ADB) Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman

At sa wakas...

Isaiah 40:22 (KJV) It is he that sitteth upon the circle of the earth, and the inhabitants thereof are as grasshoppers; that stretcheth out the heavens as a curtain, and spreadeth them out as a tent to dwell in:
Isaias 40: 22 (ADB) Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;

Dito, makikita natin si Job, Moises at Solomon na inihahanda ang entablado, kasama si Isaias na siyang pinakahuli sa listahan ng mga nagsulat sa mga bagay na ito. Kung gayon, base sa ‘Law of First Mention’, kailangan nating unawain na pinatutunayan lamang niya kung ano ang mga nasabi na ng ibang nauna sa kanya patungkol sa kung paanong si YHWH ay literal na nag-ukit ng bilog sa kalaliman. Ang ganitong wika ay hindi nagbibigay sa atin ng larawan ng isang bolang nagpapalutang-lutang sa kawalan ng space. Kundi, binibigyan tayo nito ng isang anyo na may kahalintulad sa sumusunod, kung saan ipinapakita ang daigdig bilang isang pabilog na masa na iniukit sa base ng kung ano man na mayroong apat na sulok:


Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng bilog ng daigdig na mayroong bahaging may pagkaumbok at mayroon ding pagkalukong o convexity at concavity. Mistulang kakaiba ito sa paningin ko. Hindi rin nito ipinapakita ang simboryo. Kaya, nagdesisyon akong gumawa ng sarili kong 3D rendering ng modelong ilinalarawan talaga ng Bibliya (tingnan sa ibaba). Sa aking suspetsya, bago pa man mangyari ang Dakilang Pagbaha, ang mga tubig sa ilalim (sa labas ng simboryo) ay itinaas upang masidlan halos – kundi man lahat – ng buong simboryo. Kung tama ito, malinaw na kailangang ang gilid ng sisidlan ay dapat mas mataas. At kung tama talaga, ito rin ay magiging dahilan ng pagtaas ng pressure sa loob ng simboryo(dome) na siya ring maging maaaring sanhi ng hyperbaric conditions na inilalarawan ng mga iskolar na siyang kalagayan bago pa man ang Pagbaha. 


Kung babasahin natin ang masasabi ng Aklat ni Enoch patungkol dito, makikita na ang lupa at ang mga hangganan nito ay inilalarawan ng mas mabusisi. Sa ngayon, pansinin din natin kung ano ang sinasabi ng Mang-aawit:

Psalm 104:
1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:
3 Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4 Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
7 Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.

Aling imahe ngayon ang mas naaayon sa ating binasa na may kinalaman sa ating pabilog na daigdig na mayroong hangganan sa paligid nito? 



1 Samuel 2:8
8 Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.

1 Mga Cronicas 16:30 Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos. 

Awit 93:1 Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago. 

Awit 96:
9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa.

10 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos: kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
11 Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon;
Awit 104:5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man.

Kung titingnan ang iba’t-ibang mga pagsasalin sa Ingles ng Awit 104:5, para sa akin, hindi ko talaga makita na ni isa man sa kanila ay naglalarawan ng isang pumapalibot na bola na umiikot ng halos 1,000 milya per ora, habang umaalimpuyo sa isang orbit ng 67,000 milya per ora. Kundi, mayroon tayong isang pasalitang paglalarawan ng isang bagay na talagang nakatigil lamang, at itinayo sa isang matibay na pundasyon…