Ang Panahon ni Noah

Ang lahat na nasusulat sa kasaysayan ay isang pagpapatunay ng Dakilang Digmaan sa pagitan ng Tunay na Dios na nasa langit at ng mga huwad na mga Diyos ng sanlibutang ito. Sa Dakilang digmaang ito ng Mabuti at Masama, ay ang mga manlalarong nagpapaligsahan para sa kaluluwa ng mga tao. Kaya, ito ay isang digmaang siniseryoso ng Diyos. Katulad nga ng sinasabi sa Unang Batas:

"Huwag kayong magkakaroon ng ibang mga Diyos maliban sa akin."

Kung mayroon lamang isang Diyos, Sino naman itong ibang mga nilalang na binibigyan niya ng pansin? Pakatandaan, sa Mateo 24:37 ay sinabi ni Jesus, "At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Sa tingin ko, ang karamihan sa mga tao’y hindi naglaan ng oras upang isaalang-alang kung ano talaga ang mga nangyari noong “mga araw ni Noe.” Kaya, pagtutuunan nating ma-igi at kikilalanin ang mga diyos – papaano sila napunta rito, sino sila at kung ano ang kanilang mga ginawa.

Hindi nagtagal mula noong ‘Pagbagsak ng Tao’, sa Genesis 3 ibinigay ng Diyos ang unang propesiya na ang binhi ni Eba ang dudurog sa ulo ng demonyo.
At sinabi ng Panginoong Diyos sa Babae, “Ano itong iyong ginawa?” at sinabi ng babae, “Dinaya ako ng ahas at ako’y kumain.”
At sinabi ng Panginoong Diyos sa ahas, “Sapagkat ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop at higit sa bawat ganid sa parang; ang iyong tiyan ay ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at kanyang binhi; ito ang dudurog sa iyong ulo at ikaw ang dudurog sa kanyang sakong.”
- Genesis 3:13-15 (Ang Dating Ang Biblia) [akin ang pagbibigay-diin]
Mula noon, ang ibig talagang gawin ng Demonyo ay, “siya nga? Sisirain ko ang kanyang binhi!” Kaya meron tayong Ang Genesis Six Experiment (Experementong naganap sa Genesis 6 ng mga Anak ng Dios).

At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng Diyos, na magaganda ang mga anak na babae ng tao; at sila’y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi ng Panginoon, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka’t siya’y may laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawangpung taon ang kaniyang mga araw.”

Ang mga Nephilim ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.

- Genesis 6:1-4 (ADAB) 


Ayon sa Aklat ni Enoch, 200 ng mga Nahulog na Anghel ni Lusiper, (isang klase ng mga nilalang na tinatawag na Mga Tagapagbantay) ang napadpad sa Bundok ng Hermon noong mga araw ni Jared:

At nangyari nga, noong dumami ang mga anak ng tao noong mga araw na yaon ay nangagkaanak rin sila ng magaganda at kahali-halinang mga anak na babae. At ang mga anghel, ang mga anak ng langit, ay nangagkakita at nangagnasa sa kanila, at nangagsabi sa bawat isa: ‘Hali kayo, magsipili tayo ng mga asawa sa mga anak ng tao at magkaroon tayo ng mga anak.’ At si Semjâzâ, na kanilang pinuno, ay sinabi sa kanila: ‘Ako’y natatakot na kayo’y hindi sumang-ayon sa gawang ito, at ako ang siya’ng magbabayad ng parusa sa isang dakilang kasalanan.’ At sumagot silang lahat sa kaniya na nagsasabi: ‘Tayo’y sumumpa sa isang kasunduan, at itali natin ang ating mga sarili sa pinagkaisahang tipan na hindi tatalikuran ang balaking ito datapwa’y gawin ang bagay na ito.’ At sila ngang lahat ay nagsumpaan at itinali ang mga sarili sa pinagkaisahang tipan sa ibabaw nito. At sila nga’y dalawang daan; silang mga bumaba noong mga araw ni Jared sa tuktok ng Bundok ng Hermon, at tinawag nila itong Bundok ng Hermon, sapagka’t sila’y nagsumpaan at itinali ang kanilang mga sarili sa pinagkaisahang tipan sa ibabaw nito.
- Enoch Kapitulo 6:1-6 

Ang pangyayaring ito ay naganap sa mga panahon noong ika-siyam na Jubilee, tinatayang 450-500 na taon pagkatapos ng Paglalang ng Daigdig.

Ako’y isang taong likas na sumasalig sa paningin, kaya mula sa kasulatan kung saan ay natutunan nating ang isang “araw” sa Dios ay tulad ng isang libong taon at ang isang libong taon ay tulad lamang sa isang araw, Gumawa ako ng Pagkasunodsunod ng mga Panahon at ng Kasaysayan ng Tao ayon sa Biblia (Na ang bawat abuhing (gray) hanay ay kumakatawan sa isang Jubilee – isang punto na may 50 taon). Dahil sinasabi sa atin ng Genesis na ginawa ng Dios ang lahat sa loob ng 6 na araw at nagpahinga pagdating ng ikapito, sabihin nating meron tayong 6 na libong taon (o 6 “Araw ng Dios”) para sa ikabubuhay ng tao, na susundan ng ikapito, na siyang magiging isang libong taon na batid ng mga nag-aaral ng mga propesiya bilang “Sanlibong Taong (Millennial) Paghahari ni Kristo.” Ipapakita ko sa inyo ang buong talangguhit sa blog na "The Last Days", subalit sa oras na ito, pagtuunan muna natin ng pansin ang unang dalawang “araw” ng kasaysayan ng tao.


Sukdulang sinira ng Nephilim ang lahat ng “mabuting” ginawa ng Dios noong panahon ni Noe. At makikita natin sa talangguhit sa itaas ang haba ng panahong ginawa nila ito. Tinatayang nasa 1,200 Taon! Sa loob ng mahigit isang buong milenyo, nakihalubilo at pinasama ng malalaki, at napakatalinong mga nilalang ang binhi ng tao, ang mga hayop at pati mga halaman.

Ang mga higante [Hebreo: Nephilim] ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng pag-iisip ng kanyang puso ay pawang masasama lamang na parati. At nagsisi ang Panginoon na kanyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kanyang puso. At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayun din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.


Datapwa't si Noe ay naksumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon. Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.
At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng  karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at narito sumama; sapagkat pinasama ng lahat ng tao[laman] ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.

At sinabi ng Dios kay Noe, "ang wakas ng lahat ng tao[laman] ay dumating sa harap ko; sapagkat ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa." 
-Genesis 6:4-13 (ADAB) 

Sinasabi sa atin sa Genesis na mabigat ang kasamaan ng tao at ang bawat haka ng kanyang puso ay pawang masama. Para bang ang ibig ipakahulugan nito ay inisip ng tao na pasamain ang lupa at lahat ng nabubuhay sa ibabaw nito – at di maikakailang ginawa niya ang anumang kanyang naisip gawin. Pansinin na sinasabi sa bersikulo 11 at 12 na sumama ang lupa at lahat ng tao[laman] ay sumama sa kanilang mga lakad. Ginawa yun ng Tao bilang resulta ng impluwensiya ng Mga Tagapagbantay at ng mga Nephilim. 

Bigyan natin ng pansin kung ano ang sinasabi sa Aklat ni Jasher patungkol rito:
Lahat ng mga anak ng tao ay humiwalay sa daan ng Panginoon sa mga araw na yaon habang dumadami ang kanilang mga anak na lalake at babae sa ibabaw ng lupa, at itinuro nila sa isa’t-isa ang kanilang masasamang mga kinagawian at patuloy na gumawa ng kasalanan laban sa Panginoon. At ang bawat tao ay gumawa sa kanyang sarili ng dios, at ninakawan at inagawan ng pag-aari ang bawat taong kanyang kalapit gayundin ang kanyang kamag-anak, at pinasama nila 
ang lupa
, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At ang kanilang mga hukom at mga pinuno [Ang mga Tagapagbantay] ay pumunta sa mga anak na babae ng tao at kinuha ang kanilang mga asawa mula sa mga  lalake ayon sa kanilang kagustuhan, at ang mga anak na lalake noong mga araw na yaon ay kumuha mula sa mga baka ng lupa, sa mga hayop ng parang at mga ibon sa himpapawid, at itinuro ang paghahalo sa mga tangi ng isang hayop patungo sa iba, upang sa gayon ay galitin ang Panginoon; at nakita ng Dios ang buong lupa at ito nga ay sumama, sapagka’t ang lahat ng laman ay marumi sa kani-kanilang mga lakad sa ibabaw ng lupa, lahat ng tao at lahat ng hayop.




At sinabi ng Panginoon, buburahin ko mula sa mukha ng lupa ang tao na aking nilalang, oo at mula sa tao hanggang sa mga ibon sa himpapawid, kasama ng mga baka at mga hayop na nasa parang sapagka’t ako’y nagsisisi na ginawa ko sila.
At lahat ng mga tao na nagsisilakad sa mga daan ng Panginoon, ay namatay sa mga araw na yaon, bago ibinaba ng Panginoon ang kasamaan sa mga taong kanyang ipinahayag, sapagka’t ito’y nanggaling sa Panginoon, na hindi nila dapat masaksihan ang kasamaan na sinabi ng Panginoon patungkol sa mga anak ng tao.
Datapwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Panginoon, at pinili siya ng Panginoon at ang kanyang mga anak upang siyang magpatubo ng kanilang binhi sa balat ng buong lupa.

- Jasher 4:16-21 [akin ang pagbibigay-diin]

and in the Book of Enoch:
“At lahat ng sa kanila at sa mga kasam nila ay nagsipagkuha sa kanilang mga sarili ng mga asawa, ang bawat isa ay pumili para sa sarili ng isa, at sinimulan nilang pumasok sa kanila at sinira ang kanilang mga sarili sa kanila, at tinuruan nila sila ng mga gayuma at mga salamangka, at ang pamumutol ng mga ugat, at ipinakilala sa kanila ang mga tanim. At sila’y nangagdalang-tao, at nangagkaanak nga sila ng mga higante, na tumataas hanggang tatlong libong ells: Na siyang umubos sa mga tinamo ng tao. At nang hindi na makaya ng tao na sila’y paglingkuran, ay sila ang napagbuntungan ng mga higante at inubos ang sangkatauhan. At sila’y nagsimulang magkasala laban sa mga ibon, at mga hayop, at mga reptilyo, at mga isda, at kumain ng laman ng isa’t isa at uminom ng dugo. At naglatag ang lupa ng pagbibintang laban sa mga hindi kumilala sa batas."
- Enoch 7:1-6 [akin ang pagbibigay-diin]

Pa-ulit-ulit na ipinapakilala ng Apocalipsis 12 si Lusiper bilang “ahas” at “dragon” – samakatwid baga’y isang reptilyo. Ang Mga Nahulog (The Fallen) na sumunod sa kanya ay malamang na mayroon ding ganoong mga katangian. Totoo man ito o hindi, mababasa natin sa karamihan ng mga nangyari noong sinauna na nagkasala ang Mga Tagapagbantay laban sa tao, hayop at sa lupa mismo. Ang bunga nito ay ang mga higanteng mga anak at ang kagimbalgimbal na pagkain ng laman. Kung gayon man, sa palagay ko ay sa pamamagitan ng mga kasulatang ito, ay matutuklasan natin ang pinagmulan ng maraming bagay na makikita sa mga fossil records –tulad ng sa mga dinosaurs – gayundin naman sa mitolohiya – tulad nung mga kataka-takang mga hybrid na nilalang na atin nababasa at nakikita sa mga pelikula.

Simulan natin sa mga reptilyo. Walang nagsasabing hindi nagkaroon ng mga dinosaurs. Patunay dyan ang kanilang mga buto. Subalit sinasabi ng Ebolusyon na sila’y nabuhay milyong taon na ang nakakaraan bago ang tao. Ngunit, ang sabi naman sa Bibliya, ang Paglikha ay nagsimula lang noong anim na raang taon na ang lumipas. Paano natin ito mapagtutugma? Kasama ba ang mga dinosaurs sa orihinal na Paglikha? Kung titingnan natin ang larawan sa kaliwa, ang hirap isipin na ginawa ng Dios ang ganyang nilalang kasama ni Adan at Eba at tawagin itong “napakabuti.” Kung yun ay totoo, at ang mga nilalang na ito’y hindi talaga ginawa ng Dios, sino ngayon ang gumawa? Naniniwala akong ang sulat na nasa itaas ang magsasabi sa atin kung sino. Ang Mga Tagapagbantay at ang kanilang mga lahi.
Ang mga nilalang na ito’y walang kakayahan na gumawa ng buhay mula sa wala – Dios lang ang makakagawa nito. Subalit meron silang kakayahan na manipulahin at baguhin ang nabubuhay na likha. At ipinapakitang ganito nga ang kanilang ginawa. Naniniwala akong ginalaw nila ang DNA ng mga reptilyo upang makagawa ng ibang klase ng nilalang na lalong mabangis at mapanira kaysa sa mga nilikha ng Dios. Pero sandali. Nangangahulugan iyon na ginawa ng Dios ang ilan sa mga iyon.
Karamihan sa mga Creationists ay naniniwalang mula nung pasimula, mayroong habong ng tubig na pumapalibot sa lupa. Nakuha nila ang ideyang ito sa Bibliya:

At sinabi ng Dios, “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at ihiniwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan:At nagkagayon. At tinawag ng Dios na kalawakan ang Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.

- Genesis 1:6-8 (ADAB) [akin ang pagbibigay-diin]

at

Sapagka’t sadyang nilimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, sa pamamagitan ng salita ng Dios.

- 2 Peter 3:5 (ADAB) [akin ang pagbibigay-diin]

Kung gayon nga, makakalikha ito ng epekto ng hyperbaric chamber. Isang pressurized, oxygen saturated na kapaligiran. Alam nating tumutubo ang mga butiki na umaayon sa kanilang kapaligiran (hanggang sila’y mamatay). Kaya, isipin natin ang isang butiki na nakatira sa isang pressurized, oxygen saturated na kapaligiran sa loob ng maraming daan taon (ang tao’y nabubuhay na halos 1,000 taon). Ang nasabing nilalang ay lalaki ng napakalaki. At ito an gating makikita sa fossil record. Sa totoo nga, halos LAHAT ng makikita natin sa fossil record ay malalaki – mula sa mga pananim hanggang sa mga insekto, sa mga mammals at syempre sa mga reptilyo. Ang isang hyperbaric chamber na kapaligiran ang perpektong makapagpapaliwanag sa atin kung papaano ito nangyari.
Sa mga ginawa naman ng Dios, naniniwala akong posibleng lumikha siya ng dambuhala, subalit maaamo na mga nilalang halaman ang kinakain katulad ng Apatosaurus at naniniwala akong ipinapakita ito na totoo sa Biblia. Subalit kailangan nating tandaan na ang salitang “dinosaur” ay nabuo lamang noong 1800s, kaya hindi natin ito makikita sa Biblia. 

Subalit makakasumpong ka ng ibang mga paglalarawan na magkakasya dito:

“Narito ngayon ang hayop na Behemot, na aking ginawang kasama mo: siya’y kumakain ng damo na gaya ng baka. Narito ngayon ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang cedro; ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga haling na bakal. Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios, ang Lumalang sa kaniya ang nakakapagpalapit lamang ng tabak sa kaniya.”

- Job 40:15-19 (ADAB) [akin ang pagbibigay-diin]

Ilan sa mga modernong pagsasalin ay binabago ang salitang “behemoth” sa “hippopotamus” o ilinalagay sa mga footnote na ito ang ibig ipalagay ng Dios sa kasulatan. Ang laking pagpapatawa naman niyan! isang hippo!? Seryoso? Nakakita naba kayo ng buntot ng hippo?

Huwag sana kayong magkamali sa sinasabi ko, isang napakagandang nilikha ang hippopotamus, subalit ang buntot nito’y hindi gumagalaw gaya ng paggalaw ng isang PUNO ng CEDRO!! Hindi na ito bumabagay sa paglalarawan ng Job 40 sa halip ay isang elepante o anumang hayop sa lupa na alam natin. Subalit ang paglalarawan sa Job 40:15-19 ay lalong umaayon sa imahe ng isang pangkaraniwang dinosaur na may mataas na leeg. Ngunit pansinin nating ang kinakain nito’y damo at mga halaman. Hindi sila ang mga mababangis na mangangain ng karne tulad ng T-Rex. Naniniwala akong ang ganoong "breed" o "type" ng dinosaur ay nagmula sa resulta ng pagmamanipula ng kanilang genes na ginawa ng mga Tagapagbantay at mga Nephilim sa mga butiki/reptilyo.

Samakat’wid, ang mga "dinosaurs" lang na ginawa ng Dios ang isinakay sa Arka ni Noe. Ngayon, meron bang katibayan na may nabuhay na mga dinosaurs kasama ng tao matapos ang malaking baha? Oo! Subalit hindi yung mga tipo tulad ng T-Rex. Tingnan natin ‘tong "Stegosaurus" na inukit sa bato (larawan sa kanan) na natagpuan sa isang napakatandang templo sa Cambodia

O ito namang inukit sa isang napakatandang bato mula sa White River Canyon , Utah.
Ang imaheng ‘to ay natagpuang iginuhit ng mga Anasazi Indians na namuhay doon noong tinatayang 150 BC to 1200 AD. Pansinin na mayroong taong nasa bandang kaliwang itaas at meron namang isang dinosaur na may mataas na leeg sa bandang kanang ibaba. Ito ang katibayan na nabuhay nga ang mga tao kasama ng mga dinosaurs.
O kaya itong imahe na natagpuan sa isang Mesopotamian cylinder seal na mula pa noong 3300 BC na nagpapakita ng mga dinosaur na mayroong matataas na leeg na nakabalikwos?
Kahit sa kasalukuyan, patuloy pa ring mayroong mga lumilitaw na mga kwento patungkol sa mga nilalang sa mga tagong lugar sa mundo. Syempre nandiyan na ang "Loch Ness Monster" at ilan pang mga nilalang na biglang sumusulpot nalang sa camera. Kaya naniniwala akong mayroong maraming katibayan na mayroong kahit maliit na bilang sa maraming klase ng dinosaurs na nabuhay ay mga nilalang ng Dios at samaktwid ay nakasakay pa sa Arka, na maaring ngang nabuhay pa hanggang ngayon, o sa loob ng kasaysayan ng tao.


Ngunit papano naman ang mga nilalang na siyang naging resulta ng genetic tampering? Puno ng mga nilalang na pinaghalong hayop at tao ang Mitolohiyang Griyego tulad ng CentaursMinotaursSatyrs, atbp.. At mga nilalang tulad ng PegasusGriffins  at Unicorns ay makikita rin sa mga mitolohiya ng mga sinaunang kultura. Subalit nakita rin ng mga Hebreo ang mga nilalang na ito. Sa totoo nga, Naitala sa Aklat ni Jasher ang isang pangyayari kung saan may isang taong naghahanap ng kanyang baka nang makasalubong niya ang isang nilalang na kalahating tao- kalahating hayop, na maaring mailarawan natin bilang isang Satyr:
At noong isang araw ay nawala ang babaing baka ni Zepho, at hinanap niya ito, at nadinig niyang naglalakad-lakad ito pa-ikot ng bundok. At pumunta siya at nakita niya ang isang malaking kweba sa paanan ng bundok, at mayroong isang malaking batong nakaharang sa bukana ng kweba, at hinati ni Zepho ang bato at pumasok siya sa loob at nakita niya, ang isang malaking hayop na kinakain ang baka; mula sa gitna paitaas ay mistulang tao, at mula sa gitna paibaba ay mistulang hayop, at tumindig si Zepho laban sa hayop at pinatay niya ito ng kanyang espada.
- Jasher 61:14-15 [akin ang pagbibigay-diin]

Kaya, nabuhay nga ba sila? Naniniwala akong nabuhay nga. Ang  pahayag na ito ay isinulat na “bagay na totoo” – ibig sabihin, hindi ibang pagpapansin ang ibinigay rito kundi sa kung ano lang ang nakasulat. Iyon ang nakita ng tao. Subalit, mayroon bang katibayan sa Bibliya patungkol sa mga Hybrids na ito? Oo! Sa totoo nga, lumilitaw sa dalawang pagkakataon ang Satyr sa Bibliya:
Subalit ang mga maiilap na hayop ng ilang ay pahihiga roon; at ang kanilang mga bahay ay mapupuno ng mga malulungkot na mga nilalang; ang mga kuwago ay tatahan doon, at ang mga satyr ay magsisisayaw roon.
- Isaiah 13:21 (pagsasalin mula sa KJV) [akin ang pagbibigay-diin]
at
 Ang mga mailap na hayop ng ilang ay makakasalubong sa mga maiilap na hayop ng pulo, at ang satyr ay iiyak sa kanyang kapwa; ang kuwago ay magpapahinga rin doon, at makakahanap sa kaniyang sarili ng pook ng kapahingahan.
- Isaiah 34:14 (pagsasalin mula sa KJV) [akin ang pagbibigay-diin]

mula kay Rob Skiba
isinalin sa tagalog ni Kenneth Sinco