Written For The Final Generation

(Enoch 1:1-3)

THE WORDS OF THE BLESSING OF ENOCH, WHEREWITH HE BLESSED THE ELECT AND RIGHTEOUS, WHO WILL BE LIVING IN THE DAY OF TRIBULATION, WHEN ALL THE WICKED AND THE ONES THAT KNOW NOT YAHWEH AND YAHSHUA ARE TO BE REMOVED. And he took up his parable and said -Enoch a righteous man, whose eyes were opened by YAHWEH, saw the vision of the Kodesh One in the heavens, which the Malakim (Angel) showed me, and from them I heard everything, and from them I understood as I saw, BUT NOT FOR THIS GENERATION, BUT FOR A REMOTE ONE WHICH IS FOR TO COME.

Panimula

Itong blog na to ay ginawa para sa pagsasaliksik tungkol sa sinaunang daigdig sa kapanahonan ni Noah.
Bago nangyari ang malawakang baha.


Tanong: Ano ba ang meron sa panahon ni Noah at bakit ba ito importante?

Sagot: Dahil ito sa sinabi at ibinigay ni Jesus na propesiya sa kanyang mga desipolo tungkol sa kanyang pangalawang pagbabalik. Apat na disipolo ang nagtanong kung pano at kailan eto mangyayari. Nagbigay ng detalye si Jesus sa kanyang disipolo at nakasulat sa tatlong gospel na nasa bibliya:


Matthew 24, 25
Mark 13
Luke 21, 22

Nagbigay si Jesus ng mga babala:

"At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Magingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman." Mat 24:4
Ang kalaban ay laging nagtatangkang iligaw tayo. At binibigyan tayo ng kasinungalingang inpormasyon upang tayo ay
mawala at lituhin sa salita ng Panginoon para sirain at di mapatunayan ang naka sulat sa Bibliya
.
At sa gitna ng kanilang pag uusap sinabi ni Jesus

"At kung ano ang mga kaganapan sa mga araw ni Noah, ganon din naman ang mga magaganap sa pagparito ng Anak ng Tao(Jesus)". Matthew 24:37

Tanong:  Ibig bang sabihin ba nito na ang panahon kung kailan babalik si Jesus ay ang panahon rin na ang mga tao ay gumagawa ng mga kasalanan kagaya ng
      nagsisikainan, nagiinoman, at nangagaasawa at pinapapagaasawa na nakasulat sa Mat 24:38?

Sagot: Makasalanan ang mga tao noong mga araw nayon, binigyang-diin ito.  Pero kung un lang ung dahilan kung bakit nilunod ang buong mundo. Hindi makatarungan sa mga tao na namatay noon dahil sa baha kung hindi rin tayo paparusahan. Dapat nagalit na ulit satin ang Dios ngayon, at gumawa ulit sya ng panibagong trahedya na makakaubus satin.
Subalit hindi lang un ang nangyari sa panahon ni Noah. Maraming kahindik hindik at di kapanipaniwalang mga bagay ang naganap sa panahong iyon. Kaya dapat natin maintindihan ang panahon ni Noah.

Si Noah ang susi ng Propesiya na sinabi ni Jesus.

Noon di ko naintindihan ang sinabi ni Jesus sa kanyang disipolo na si Philip(Filepe) sa verse John 14:8-9

"tinanong sya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at sakto na iyon sa amin. Sinabi sakanya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? kung sino man ang nakakakita sakin nakikita rin nya ang aking ama." John 14:8-9

Di ko masyadong maintindihan ang ibig sabihin ni Jesus sa verse na yun dati kasi nung binabasa ko ang lumang testemonia sa bibliya ang kadalasang ginagawa ng Dios Ama ay kumitil ng buhay ng mga makasalanan. Isang halimbawa dito ay ang verse 1 Samuel 15:3 Inutusan ng Dios Ama ang mga Israelites na patayin lahat ng babae, lalaki, sanggol at hayop sa lugar. At dapat mapuksa at di kaawaan dahil sila ay makasalanan.

At kung titingnan naman natin sa bagong testemonia sa Bibliya na ang Dios  Anak na si Jesus ay mapagmahal, hindi kumikitil ng buhay, pinapagaling ang may sakit, hindi nanghuhusga. Kundi lumalapit sa taong makasalanan at nakikipaghalubilo kahit gaano kalala ang kasalanan hindi siya nanghuhusga, dahil gusto nya na magsisi at magbago ang lahat at tanggapin sya bilang tagapagligtas.

Kaya nahirapan akong intindihin ang sinabi ni Jesus na "kung sino man ang nakakakita sakin nakikita rin nya ang aking ama".

At sa aking pagsasaliksik dun ko nalamang ang dahilan. Dahil merong problema sa "bloodline" ang mga nilalang na pinuksa ng panginoon sa lumang Testimonya.

Sila ang mga lahing Nephilim, nag-uugat ito sa naganap na pangyayari sa Genesis 6 at sila din ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang panginoon na ubusin lahat ng nabubuhay sa mundo at iligtas lang ang pamilya ni Noah ang mga piling hayop na nasa barko.

Dapat mag saliksik tayo ng mabuti at intindihin ng maayos ang mga naganap sa Genesis 6.
Dun lang natin malalaman ng maayos ang mga pangyayari sa Genesis 6 mas maiintidihan natin kung bakit kelangan gawin ng Dios ang nakasulat sa Genesis 19:24, 2 Chronicles 13:15-18, Joshua 6:20-21, 1 Samuel 15:3, Deuteronomy 3:3-7, Numbers 31:7-18, Joshua 10:10-11, Deuteronomy 20:17

Ipapaliwanag sa blog na ito ang pagsasaliksik sa mga naganap sa panahon ni Noah at ikukumpara sa kasalukuyang panahon natin ngayon. At paguusapan din ang tungkol sa Nephilim. Titingnan din natin ang kasaysayan, iba't-ibang kultura sa mundo para makakita ng bakas ng katotohanan.

Ang Layunin ng blog na ito ay mabigyan diin at palakasin ang Pundasyon ng kaalaman at kaganapan sa Genesis.